Wednesday, June 10, 2015

Si Justine at si Mercedes. (A trip to Mercedes, Camarines Norte)

Wala naman talagang formula ang pag momove on.
Wala din namang tamang proseso.
At higit sa lahat, magkakaiba ang attack ng bawat tao; may ibang humahanap kaagad ng panibago at may iba namang pinipiling mapag isa.
Ako? Pinili kong ibaling ang oras ko sa paligid ng mga tao.

Ako nga pala si Justine. Ang babaeng madaming baong kwento at energy.

At ito ang kwento ko...

For the past days, weeks and months of moving on and finding my old-self back, a dear friend sent me a message: “Justine, eto ata kailangan mo.”
1.jpg
Tinignan ko ang website at binasa ang mga nakasulat.
Mga 30 minutes yata akong nakipag contest ng titigan sa banner ng website.

2.jpg

"Celebrate LOVE" ... "with other SINGLES out there."
mga 50x kong pinaulit ulit na binigkas.
Scroll down... may video... pinanood ko.
"Uy, nature nature! dagat dagat! Pang self-discovery siguro toh."

Sa ilalim ng banner ang mga catchy questions na sinagot ko sa sarili ko:

Are you SINGLE? - Hmm. Oo.
Are you nurturing a BROKEN HEART? - Err, Oo...
Are you looking for an ESCAPE or want to do some SOUL SEARCHING? -  AY, OO!!!
Do you want to celebrate with other single people out there? - OO!!!! with feelings!!!
JOIN OUR ROAD TRIP!!! - teka. “Ano ‘to? Dating trip? Ayoko.”

Teka. Saan pupunta? Walang nakalagay. Hmm. Strange. Wag na nga.

In-exit ko ang browser, at bumalik sa trabaho.

After an hour, binalikan ko.

Random trip sa lugar na wala kang idea kung saan ka pupunta?

Tapos pati mga kasama mo, hindi mo kilala?


Minsan ko lang magagawa ‘to sa buhay ko kaya, push the button!

Justine, LET’S GO!

Nag book ako... at walang inaasahan na kung ano ano.


Dahil sabi nga nila, wag kang mag eexpect para hindi ka nadidisappoint.

Perfect ka jan, Mars. You made the right decision of stepping a foot forward. ;)
Kasama ang isa sa mga trusted friends kong si Mayu, tatahakin ko ang adventure na hindi ko inaasahang makakapag pabalik ng sigla ko.

June 5, 2015 (Friday), 7pm sa Cubao terminal.

Sumakay kami ng bus na papuntang “DAET”, kinilig ako ng bahagya sa pag-asang baka sa pangarap kong lugar kami pupunta… sa Calaguas.

Ako naman si babaeng mapaniwala sa “DESTINY”, umasang baka “meant to be” ang trip na ‘to.
Mag ala-sais ng umaga, nalaman namin kung saan kami dinala.

Hello,  Mercedes, Camarines Norte, nice to meet you.

3.jpg

Step #1: Getting to know (the new people).

First stop - Breakfast!

Parang pag ibig. Sa una, magkakahiyaan at kikilalanin ang isa’t isa.
Mag sisimula sa simpleng “Hello!” at susundan ng “taga saan ka?”
May konting komportable na, habang ang iba naman ay naiilang pa.
Parang ako, nahihiya. Nakakapanibago.

4.jpg

FIRST GROUP PHOTO.

Mahahalata mong wala pang “connection” dahil bago palang.
Pero alam mo kagad dun palang, may “spark” na.
Mapapaisip ka kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, sila ang pinag tagpo.:)
Iba’t ibang klase ng tao, iba’t ibang kwento, pinag sama sa iisang grupo.
TADHANA.

5.jpg

Nakalimutan ko yung pangalan ng malagkit na ‘to.
Pero ito ang unang pagkain na inalok sakin... saamin.
Isang maliit na kakanin na hindi mo aakalaing may peanut butter sa loob, hangga’t di mo natitikman.

Parang kami sa trip, hindi mo makikilala ang isa kung hindi mo uunahan ng pagpapakilala.
Parang pag ibig, hindi mo alam kung anong meron hangga’t hindi mo susubukan.

5_a.JPG

Akala ko sa pelikula at mga larawan ko lang makikita ang top-load jeepney ride.
Naalala ko, meron nga pala yun sa probinsya.
Matagal ko ng pangarap makasakay sa ganun, pero never ko pang nasubukan.
Bukod sa tubong Manila ako, takot ako dahil baka malaglag ako.

Parang pag-ibig. Nakakatakot malaglag pero gusto mo pa ring subukan.

8.jpg

May ilang mga sumakay na sa taas, habang ako pinili ko munang sumakay sa loob.
*insert deeper meaning here*



6.jpg

Probinsya breeze.
Presko. Malinis. Maaliwalas.
Pansamantala kong nakalimutan ang itsura ng Manila.
Pansamantala ko rin syang nakalimutan… alam mo na.

9.jpg

Dinala kami sa isang simbahan sa bayan ng Colasi para ibaba ang mga dala naming gamit at makapag palit ng damit na pwedeng mabasa para sa unang lugar na aming pupuntahan.

TADHANA - Ayon sa tarp:  "Blessed are the pure in heart, for they shall see GOD. - Matthew 5:8"

Parang pag momove on, you have to drop all excess baggages and prepare yourself for the beginning of a new journey. 
You have a PURE HEART at anjan si GOD to guide you. Nuks! :)

10.jpg

Step #2: BE BRAVE and TAKE RISKS.

Sa unang pagkakataon, naglakas loob na akong sumakay sa top-load.
Madami akong takot sa buhay, isa na doon ay ang umakyat sa mataas na lugar.
Takot akong baka sa pag akyat ko, bigla akong mahulog at masaktan.

Parang pag-ibig. Takot kang sumubok dahil hindi ka sigurado kung may handang sumalo sayo.
Package yun when taking risks.
Wala namang mawawala kung hindi mo susubukan.

11.jpg

Sa pag punta namin sa next destination, may nadaanan kaming taniman ng Pinya.
Madaming taniman sa lugar na ‘to.
Magandang lugar din siguro para ibaon ang nakaraan ko. charot.


12.jpg

Bilang “random” roadtrip ito, walang abi-abiso kung saan kami dadalhin.
Pinababa kami sa isang lugar at pinabuo ng isang bilog para mag dasal.
Doon sinabi sa amin na aakyat kami sa Colasi Falls.
At wala namang memo na binigay si Mayor na trekking pala ang unang activity.

Parang pag-ibig, wala namang mag sasabi agad sa’yo kung kelan yan dadating.


13.jpg

Kamusta ang beauty ko? Manipis na tyinelas lang ang nadala ko.
Akala ko kasi pag trekking, mag rurubber shoes kami.
Wala sa hobbies ko ang pag akyat ng bundok, 

pero gusto ko yung feeling makikita mo sa itaas.
Pero Justine, ginusto mo yan. Kaya panindigan mo.

Parang pag-ibig, hindi mo naman alam agad ang daan na tatahakin mo, diba?
Kaya harapin mo lahat ng pag dadaanan mo; 

madadapa ka, madudulas at sureball na masasaktan.

14.jpg

Naka quota din ako ng ilang dulas at tapilok. Pero alam mo kung anong kinagandahan dun?
Yun ay pag sumigaw ako, may lilingon at aabutin ang kamay ko sabay tanong ng:
“Kaya pa?”
Simpleng linya na nag pupush saking magpatuloy sa pag-akyat.
Parang sa pag momove on, habang kinakaya mo mag-isa, may mga taong darating ng hindi mo inaasahan para tulungan kang tumayo at magpatuloy.

15.jpg

Sa kalagitnaan ng aming pag lalakad, may batis na pwedeng pagpahingahan at inuman.
Wala pang bente quatro oras kaming magkakasama,
pero sa parteng ito, nabuo na ang tiwala kong tama ang naging desisyon ko.

16.jpg

Tuloy ang paglalakad, pagkakadapa at pag hinga ng malalim.
Hanggang sa narating namin ang mga madudulas na mga akyatan.
Hassle sa muscle.

17_a.jpg

Isa na naman sa mga kinatatakutan ko, ang mga matatarik na akyatan.
Samahan mo pa ng mapuputik at malulumot na daan.
Akala ko hindi ko na kakayanin magpatuloy, pero anong gagawin ko kung hihinto ako?
Parang pag momove on, mahirap pero kakayanin... kayang kaya. :)

17.jpg

Nakaka ilang hugot na mga nasasabi ko habang patuloy kaming umaakyat.
Sa parteng ito, ultimong ang linyang “pagod na ko” ay may hugot na magpapahinto sa lahat at susundan ng tawanan at biruan.
Sa parteng ito, pinapaalala pa rin sakin na hindi ako nag iisa.
Parang pag momove on, kayanin at tawanan mo lang hangga’t mapagod ka na.

18.jpg

Naka ilang bato, dapa at dulas din hanggang sa narating namin ang Colasi Falls.
Parang pag-ibig, after all the pain and hurt, you’ll see a place for new beginnings.
Nuks ver. 2.


Bilang napagod ang lahat, naghanda si Mayor ng mga kilalang pagkain na tatak #OnlyinBicol.
At dito naging mas komportable ang bawat isa.

Parang pag-ibig, nag simula sa hiyaan, unti unting nagiging komportable sa isa’t isa.
Unti unting bumubuo ng bagong memorya.
Nabubuo ang bagong pagsasama. :)

21.jpg

Mukhang sulit din ang binayad kong 4,500 sa trip na ‘to...

19_a.jpg

Dahil sa mga masasarap na sariwang pagkain mula sa bayan ng Colasi. <3
#PagbigyanNyoNa 


Matapos ang nakakabusog na Ginataang Manok, Ginataang Langka, Adobong Pusit at Tinuktok (Crab) na tinernuhan ng napaka sarap at kakaibang Blue Rice…
Tila may Magic na lahat kami nabuhayan at nagkulitan.

Step #3: Reaching the GOAL.
Karamihan ng sumali sa trip ay may mga kanya kanyang kwento ng pinagdadaanan.
Tulad ng nakalagay sa website, halos lahat kami ay sumali para magpagaling ng “broken” heart.

May bamboo raft sa gilid na naging source ng bonding namin.
5 tao ang pwedeng isakay para makalapit sa falls.
Parang pag momove on ang nangyari.
Tulungan sa paghatak, tulungan sa pag momove on.
Habang hinahatak namin ang lubid papalapit sa falls, nakikita ko ang sarili kong ngumingiti.
Comedy ang mga nangyari sa paghatak, namiss kong tumawa ng ganun kalakas.

20.jpg

Step #4: Overcoming (one of) your biggest fears.
Kalagitnaan ng mga kulitan at tawanan, umupo ako sa sulok habang pinag mamasdan sila.
Pinagmamasdan ko ang bawat ngiti, pinakikinggan ko ang bawat sigaw at tawa.
Pinakikiramdaman ko ang lamig ng hangin dala ng falls.
Naaliw akong nanonood ng mga nag tatalunan at tinutulak sa tubig.

Biglang nagkabiruan ng mga pag talon mula sa mataas bato.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig ko silang humihiyaw ng “Si Justine naman!”
Hindi ako makakibo dahil ito talaga ang isa sa mga pinaka kinatatakutan ko.
Dinadaan ko sa tawa at pang aasar na ibang tao nalang pero ayaw nila akong tigilan.

Takot akong tumalon sa tubig.
Takot akong malunod.
Dahil alam kong pag tumalon ako, kailangan ko umahon mag-isa.

Halos 10 minuto ata ang tinagal ng pag akyat ko palang sa bato.
Struggle dahil bukod sa nadudulas ako, alam kong mabigat ako.
At sa kagustuhan talaga nilang mapatalon ako, nagtulungan silang i-akyat ako.
Sa hindi ko mawaring dahilan, bakit nga ba kailangan kong tumalon?

Sa wakas! Nakatayo din ako sa bato.
“Sumigaw ka! Isigaw mo na yan! Tapos talon!”
Kasabay ang unlimited na tawanan at biruan.

Wala ng bilang bilang, binigla ko na ang sarili ko.
Sumigaw ako at tumalon.
Pag ahon, hindi ko alam kung bakit gumaan ang puso ko.
Parang pag momove on, madaming taong mag sasabi sa’yong kaya mo at handang tumulong.
Pero ang kailangan mo talaga ay ang magtiwala sa sarili mo at kusang tumalon.
Kung hindi ka tatalon, kung hindi ka sisigaw, walang mangyayari.


Matapos ang ilang oras sa Colasi falls, kailangan na naming pumunta sa next destination.

2nd GROUP PICTURE.

May mga magkakaabay, may mga magkakatabi, at mas natural na mga ngiti.
Parang pag-ibig, habang mas sumasaya, mas napapalapit. :)


Yun nga lang, given na naman ang balikan namin ang rough road.
Parang pag-ibig, package yan.
Babalik at babalik ka pa rin sa mga bato at dulas,
pero this time, mas madali na dahil nadaanan mo na. :)


Pagkatapos ng buwis buhay na trekking, pumunta kami sa San Miguel Bay para magpahangin.
Habang nagpapahinga, binigyan kami ng merienda.
Kamote Q na may sesame seeds at “Bulalo”.
Joke lang, taro yan, gusto ko lang talaga ng bagnet.


Samahan mo pa ng fresh buko juice.
LIFE, ang sarap sarap!
Worth it ang pag akyat, pagkakadulas at pagkakabagsak.

Parang pag momove on, pagkatapos ng mga struggle, babalik ka ulit sa sigla.


Step #5: Embracing the bigger reality.

Matapos ang nakakabusog na merienda, sumakay ulit kami sa jeep papunta sa next location.
Uy, si Justine, ginusto ulit sa top-load.
Ganun pala kapag nagawa mo na, handa ka ng ulitin pa.

Parang pag momove on, naalala nyo yung sinabi ko kanina?
Noong una, pinili kong sumakay muna sa loob ng jeep.
Dahil andun pa rin ung doubt ko sa kung anong dadalhin ng trip na ‘to sakin.
At ngayon, eto ako, umakayat ulit dahil handa na ko sa lahat ng madadaanan. :)



Step #6: Overcoming my fear of the dark and finding the new LIGHT.

3rd location: Apuao Grande Island
Last destination sa unang araw namin sa Bicol.
Madilim ang lugar - 8pm palang pinatay na ang ilang mga ilaw. Sa lahat ng lugar na madidiliman, dun pa sa pwedeng pag liguan.Dito na kami magpapagabi at matutulog.

Eto na naman si Justine, ang batang takot sa dilim.
Takot ako sa dilim dahil feeling ko anytime pwede akong mawala.
Takot kang maiwan mag isa sa lugar na hindi ko alam.
Habang naglalakad kami sa dilim, hindi nila ako hinayaang maglakad mag isa.
Hinawakan nila ang kamay kong nanginginig sa takot,
hanggang sa narating namin ang rest house.

Parang pag-ibig, dadaan ka man sa kinatatakutan mong dilim, darating din ang pagkakataong may kukuha ng kamay mo para alisin ang takot mo at samahan ka.


Matapos ang nakakabusog na hapunan, tuloy pa rin ang halakhakan.
Bumuo kami ng isang bilog sa kubo, uminom ng konting alak habang nag babahagi kwento.

One punchline at a time. One hugot at a time. One heartbreak story at a time.

Natapos ang gabi ng puno ng tawanan at words of encouragement sa bawat isa.

Parang momove on, humanap ka ng mga taong handang makinig sa kwento mo.
Ilabas mo hanggang maubos na ang ikkwento mo.
Magugulat ka nalang, yung sakit na pinag daanan mo, tatawanan nyo nalang pagkatapos.


Nagising ako ng mga alas-6 ng umaga.
Naabutan ang sunrise at mga taong nakahiga pa’t humihilik.
May ibang katulad ko, inabutan ng antok sa rest house.
Habang may ilang natulog sa tabing dagat.

Maraming salamat, mosquito repellant, walang nadengue sa trip na ‘to.


Pagkatapos ng almusal, pumunta kami sa isang bat forest para makakita ng… bats.


May inakyatan kaming cliff don, at sabay sabay kaming sumigaw ng “walang forever”.
Charot lang. Masyado ng madrama yung mga nilagay ko.
Umakyat kami sa cliff nang biglang umulan at masaya kaming naligo sa ulan sa harap ng Pacific Ocean.


Sa daan namin papunta sa bangka na sasakyan namin papunta sa susunod na Isla,
isang kasamahan namin ang nakagat ng Jelly Fish.

Parang pag-ibig, sa gitna ng kasiyahan at pag eenjoy mo,
bigla may dikyang sasaktan ka at mag iiwan ng marka. charot.


Nilisan namin ang Apuao at pumunta sa Isla ng Caringo.

Step #7: Trying new things (and dishes).

Pag dating namin ay ang pawelcome ni Mayor na suman na may gatas.
Hindi ako kumakain ng suman o kahit anong binalot na pagkain.
At dahil bawal akong mag inarte dito, sinubukan ko ang pagkain at nagustuhan ko.

Parang pag momove on, may mga bagay kang ayaw subukan, pero kailangan mong bigyan ng pagkakataon ang sarili mo. At pag nagawa mo na, you’ll be surprised.
Madaming masarap sa buhay, parang ‘tong walang kamalay malay na suman na ‘to.


May ilan saming nag snorkelin.
Hindi ako sumama dahil natakot na ko dun sa dikya.
Ayaw ko muna ng kati sa buhay.
Tsaka na. Pag handa na ko. Charot.


Habang busy ang ilan sa dagat, ang iba samin (katulad ko) ay busyng nag handa ng lunch.
BOODLE FIGHT!
First time ulit para saakin.
Sabi nila, Boodle Fight brings the family closer.
At napatunayan ko ‘to dito.

Parang pag-ibig, mas masaya ang pag sasama kapag may food trip. :)


Ang creative na paFruits ni Mayor katerno ang Boodle Fight.
Good for the heart, good for the soul.
Pangontra sa dami ng carbs.


Life is GOOD.
Love is…. soft as an easy chair. Charot.


Habang nagpapahinga after ng napaka bigat na lunch,
tila nagkaron ako ng chance para ipakita ang pagiging talk show host ko.

Ano nga ba ang naging talk show?
Seaweed Gulaman making feat. Tita Luz and Krizzy.


It’s been a while.
Namiss ko ilabas ang talento kong ‘to.


Bumalik na nga ang sigla ko. :)


Sa kabilang dako ng isla, habang busy kami sa talkshow,
may ilang hindi na talaga kinaya ang antok na dulot ng kabusugan.
Kanya kanyang pwesto.


Bago matapos ang talk show, napag alaman kong si Tita Luz pala ay Kagawad sa Isla.
Lahat ay nagtawanan dahil sa sobrang bibo ko, kagawad pala ang kabiruan ko.
Napaka gandang islang hindi ko makakalimutan, maraming salamat, Caringo.


Sa daan namin papunta sa Mercedes fish port kung saan sasakay na kami pauwi ng Maynila, may nadaanan kaming lighthouse.

Sayang, hindi ako nakasama sa ilang naka akyat.
May ilan saaming nag stay sa dagat para tumingin ng mga corals at gagambaboy.

Parang pag-ibig, hindi lahat makikita mo agad.
Madami ka pang madidiscover, at chance para iexplore. :)


Ang bilis, 2 araw na pala ‘yon.
Ang dami kong nakita.
Ang dami kong nalaman.
Kasing dami ng mga hugot na narinig nila sakin.


May mga susunod pang trips na tulad nito ang ioorganize ng Experience Philippines,
Sana tulad ko/namin, be open to changes.
Bumalik tayo sa nakalagay sa website ng Experience PH, ano nga ba ang nasa dulong linya?


Gaya ng goal, nahanap ko ulit ang sarili ko.
Gaya ng goal, nahanap namin ang sarili namin sa pamamagitan ng bawat isa.

Hindi kami nakahanap ng bagong pag-ibig... Wala naman din saaming pumunta dun para maghanap.

Mas maganda pa nga sa pag-ibig/relasyon ang nahanap namin,
A CRAZY FRIENDSHIP THAT WILL LAST FOREVER.

Minsan sa buhay, kailangan mong sumugal.
Tumaya sa lotto at umasang manalo.
Mag book ng trip ng walang kasiguraduhan.
Parang pag-ibig, kung hindi mo kayang masaktan, wag kang susugal.

Step #8: Giving yourself a Life/Love Mantra

Bago kami umalis ng Camires Norte, binigyan kami ng munting souvenier.
Kasama ng bag tag ay ang pag bunot namin ng kanya kanyang sticker quotes.

Sabi ko sa sarili ko, kung anong nakatakdang quote para sakin,
yun ang magiging mantra ko.


Step #9: FORGIVE and FORGET - THANK YOUR PAST.
Gayun pa man, gusto kong magpasalamat sa’yo.

 Salamat sa hindi pag kapit at pag bigay sakin ng kalayaan. Salamat sa pag bitiw, dahil dito, nakita at nakilala ko ang mga taong naniniwala sa kapasidad ko higit pa sa sarili ko. Salamat sa pag paparayang mahanap ko muli ang sarili ko at makita ang lahat ng mga bagay na wala sa harapan ko. Salamat sa pag bigay sakin ng kalayaan na gawin mag-isa ang mga bagay na hiniling kong gawin natin ng magkasama. Salamat sa pag bigay ng espasyo para huminga at sumaya muli, salamat dahil hinayaan mo akong bumalik sa mga nakagawian ko bago ka pa dumating sa buhay ko. Salamat sa pag bigay ng tyansang harapin ko lahat ng mga kinatatakutan at ayaw ko, madami pang nasa listahan, pero simula na ito ng pagharap ko. Masaya akong bumalik ang sigla at dahilan ng pag ngiti ko. Bagama’t may kulang pa, naniniwala akong dadating din ang lahat ng ‘yon sa takdang panahon. Salamat sa’yo, madami akong natutunan. At gagamitin ko lahat ng ito sa mga bagong daan na lalakbayin ko. 


 Here’s to more adventures and discoveries, alone... with Experience PH. :)



Welcome back, Justine. :) Masaya ako sa pag balik mo. :) At sa'yo, Kaibigan. Salamat pag bigay oras sa pag basa mo ang unang kwento ko. Sali ka minsan sa Roadtrip! :)